Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalaan ng P3 bilyong fuel subsidy para sa 1.36 milyong tsuper ng pampublikong sasakyan sa buong bansa.
Narito ang listahan ng ayuda na matatanggap ng mga driver ay ang mga sumusunod:
- Modernized Public Utility Jeepney (MPUJ): P10,000
- Modernized Utility Vehicle Express (MUVE): P10,000
- Traditional PUJ: P6,500
- Traditional UVE: P6,500
- Public Utility Buses (PUB): P6,500
- Minibuses: P6,500
- Taxis: P6,500
- Shuttle Services Taxis: P6,500
- Transport Network Vehicle Services: P6,500
- Tourist Transport Services: P6,500
- School Transport Services: P6,500
- Filcabs: P6,500
- Tricycles: P1,000
- Delivery Services: P1,200
Humihingi ng fuel subsidy ang mga driver sa buong bansa dahil tumaas ang presyo ng langis sa loob ng 9 na sunod na linggo.
Sa nakalipas na 9 na linggo, tumaas ang presyo ng gasoline, P9.65/L; kerosene, P13.74/L; at diesel, P14.40/L
Humigit-kumulang 1.3 milyong mga tsuper at operator ng pampublikong sasakyan ang makakatanggap ng fuel subsidy mula sa gobyerno, ayon sa DBM