Sa kabila ng nagbabantang El Niño, umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maseselyuhan ang 5-taong kasunduan sa pag-aangkat ng bigas mula Vietnam.
Sa pag-uusap nina Marcos at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh, sinabi ni PBBM na ipupursige niya ang 5-taong kasunduan sa pagangkat ng bigas na magpapatatag sa rice supply sa bansa.
“Agriculture again this is something, especially in the face of what we are anticipating in terms of El Niño and drought… We hope that we can find an agreement so that there will be an exchange,” ani Marcos.
Batay sa mga datos, nakapag-angkat na ang Pilipinas ng 1.5 milyong tonelada ng bigas na galing Vietnam mula Enero hanggang Mayo, na nagkakahalaga ng $772.4 milyon.