Ayon kay dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte, batay sa law of supply and demand ng bigas sa buong mundo, imposibleng makamit ang ₱20 kada kilo ng bigas.

Bagkus, ayon sa dating punong ehekutibo, maaari pang umabot sa ₱90 kada kilo ang bigas dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pataba, pesticide, at kakapusan sa lupang sakahan.

Dahil dito, aniya, hirap din ang ibang bansa na makapag-produce ng sapat na bigas.

“By our standard, P20 is masyadong mababa ‘yan (too low), and rice-producing countries have also limited the volume of rice they could export as they also do not have enough land to plant rice on. It is development, from forestal to agriculture, then to commercial,” pahayag ni Duterte.

Mungkahi naman ni Duterte, dapat na maglaan ang pamahalaan ng ₱3 bilyon para gamiting pambili ng bigas, na kahit mahal ang presyo, at ipagbibili ng mababang presyo sa publiko.