Pinulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pamunuan ng Ateneo de Manila University (ADMU) upang resolbahin ang lumalang problema sa traffic sa Katipunan Avenue.
Kaugnay nito, nagsagawa ng ocular inspection ang mga opisyal ng MMDA sa Katipunan Avenue ngayong Huwebes, Setyembre 7, dahil sa lumalalang problema sa traffic sa lugar, partikular sa mga gate ng ADMU tuwing rush hour.
“We are looking at adjusting Ateneo de Manila’s entrance gate for vehicles without stickers to accommodate more vehicles that would lessen traffic congestion in Katipunan Ave.,” ayon kay MMDA general manager Procopio Lipana.
Kinokonsidera rin ng ahensiya ang paggamit ng service road malapit sa Ateneo Gate 2 (galing Marikina) para sa mga sasakyan na kasalukuyan nakatoka sa mga pedestrian.
Napansin din ni Lipana na ang mga northbound vehicles na kumakaliwa sa pagpasok sa Ateneo gate ay umuukopa ng tatlong lane na bumabara sa mga sasakyang patungo sa direksiyon ng Manila.
“We are also mulling on limiting the lanes they use into two during rush hours by putting traffic cones,” dagdag ng opisyal.
Base sa datos ng MMDA Traffic Engineering Center, umaabot sa 2,757 ang bilang ng mga sasakyan na dumaraan sa northbound land patunong Commonwealth Avenue mula ala-7 hanggang ala-8 ng umaga. Haban nasa 6,637 sasakyan ang nagtutungo sa Aurora Blvd.
Sa peak hours mula ala-5 ng hapon hanggang ala-6 ng gabi, umaabot sa 4,458 sasakyan ang gumagamit ng northbound lane ng Katipunan Avenue habang nasa 5,695 sasakyan ang nasa opposite lane.