Nakahalubilo ni President Ferdinand Marcos Jr. si United States Vice President Kamala Harris sa ASEAN Summit sa Jakarta kung saan nila tinalakay ang isyu sa South China Sea.
Itinuturing na “pull-aside” meeting ng White House, nagkaroon ng pagkakataon makausap ni Marcos si Harris sa ginanap ng 43rd ASEAN Summit sa Indonesia kung saan saglit nilang natalakay ang agawan ng teritoryo sa South China Sea.
“(Marcos and Harris) discussed opportunities to deepen commercial and economic cooperation, as well as their shared commitment to upholding the rules-based international order,” ayon sa pahayag ng White House.
Iginiit ni Harris na “ironclad alliance commitment” ang ipinangako ng US government sa Pilipinas upang mapangalagaan ang kapayapaan at seguridad sa South China Sea na buong inaangkin ng China.
Nagkasundo rin ang dalawang lider na palakasin ang trade opportunities ng Amerika at Pilipinas.