Determinado ang mga producer ng “It’s Showtime!” na maghain ng motion for reconsideration sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) matapos maglabas ang MTRCB ng 12-day suspension order laban sa kontrobersiyal na noontime variety show.
Ito ay matapos magdesisyon ang MTRCB na patawan ng 12-day suspension ang “It’s Showtime!” dahil sa kalaswaan na ipinamalas ng mga hosts sa live program noong Hulyo 2023.
“We will submit a Motion for Reconsideration as we humbly maintain that there was no violation of pertinent law,” pahayag ng pamunuan ng “It’s Showtime!”
“We are also committed to working with the MTRCB to ensure that ‘It’s Showtime!’ can continue to bring joy and entertainment to our noontime viewers,” dagdag nila.
Ayon sa MTRCB, maaaring iapela ng mga producer ng programa sa kanilang ahensiya ang suspension order sa loob ng 15 araw. At kung hindi pa rin babawiin ng Board ang una nitong kautusan ay maaari ring dalhin ang issue sa Office of the President na may kapangyarihang baliktarin ang desisyon ng MTRCB.