Naging viral ang post ng isang netizen na si Christina Tan Villanueva matapos ang kanyang kakaibang karanasan nang siya ay sumakay sa isang taxi kamakailan kung saan sa halip maging pasahero, siya ang nag-drive ng taxi cab upang makaidlip ang inaantok na driver.
“First time ko mag drive ng taxi. Haha,” saad ni Christina.
“While on the road sabi ni tatay (taxi driver) lipat nalang daw ako dahil hindi nya kaya mag drive sa sobrang antok, sabi ko delikado naman kung baba ako somewhere hindi ko alam kung makakasakay agad ako so i insisted ako na ang mag drive dahil malayo pa ang bahay ko from our location at first ayaw niya nahihiya at akala nya hindi ako marunong mag drive ng manual,” ani ni Christina.
“Pero pinilit ko nalang para maka idlip sya habang traffic. Nung ako na ang nag ddrive nakatulog agad sya at humihilik pa. Habang nasa byahse ang dami pumapara sa taxi tapos nagugulat at natatawa dahil babae ang driver,” dagdag pa niya.
“Anyway, 70yrs old na si tatay sabi nya panahon pa ni marcos taxi driver na sya at puro babae anak kaya naghahanap buhay pa rin till now. Ginising ko nalang si tatay nung nakarating na kami sa bahay ko. Wala lang gusto ko lang i share kasi first time ko. Haha”
Umani ng samu’t saring reaksyon ang mga netizen ng makita ang viral post na naging inspirasyon sa kanila.
“Wonderful! amazing acts of kindness. One in kind of portrayal of our culture as filipino. kudos! maam you got it! God bless,” ayon sa isang komento ng netizen.