Matapos na mag-trending ang vlog ni Andrea Brillantes na tila “nanliligaw” sa anak ni Ina Raymundo na si Jakob Paturnak, may “say” naman dito ang magandang aktres at model: “Hindi ako makikialam sa love life ng aking mga anak.”

Sa column ng komedyante at singer na si Giselle Sanchez na Gossip Girl sa Manila Bulletin, tinanong nito si Raymundo, na kilala rin bilang “Ms. Sabado Nights”, kung ano ang masasabi nito sa imbitasyon ni Andrea kay Jakob na i-date siya ngayong siya ay “single and ready to mingle.”

“I like Andrea, and I find her comments flattering and amusing. It’s raw and unfiltered. I am also not sure if she was serious or just kidding around. Unfortunately, I cannot decide for my kids Jakob and Erika on their choices and love life. It’s really up to them. Also, the two are too busy in school abroad to comment on this,” tugon ni Ina kay Sanchez.

Matatandaang sa vlog ni Blythe (tunay na pangalan ni Andrea), sinabi nitong: “Gwapong-gwapo ako sa kanya dati pa….Hi Jakob,if you’re watching I’m single now….pero if hindi ka single, baka pwede ‘yung sister mo na lang, I would date Erika.”

Nag-trending ang naturang video na kinuyog ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen. May nambatikos at may sumuporta sa pagiging bold and brazen ng dalaga.

Sino nga ba si Jakob?

Half-Filipino, half-Ukrainian, kasalukuyang nasa Amerika ngayon si Jakob, under sports scholarship sa Xavier University, kung saan naglalaro ito para sa Xavier Musketeers, ang baseball team ng naturang unibersidad.