Bumaba ang budget deficit ng national government nitong Hulyo2023, kumpara noong nakaraang taon, ayon sa Bureau of Treasury (BOT).
Batay sa datos ng ahensiya, dumausdos sa ₱47.8 bilyon ang budget deficit ng pamahalaan nitong Hulyo, mula sa dating ₱86.8 bilyon, bunsod ng lumaking kita ng gobyerno mula sa buwis.
Ayon sa BOT, lumaki ng 33.40 porsiyento ang kabuuang revenue collection ng gobyerno samantalang nasa 16.22 porsiyento lamang ang itinaas ng gastos nito sa nakalipas na mga buwan.
Ayon pa sa BOT, bumaba rin sa 21.22 porsiyento ang year-to-date na kabuuang budget gap ng pambasang gobyerno, mula sa dating ₱761.0 bilyon noong isang taon, patungong ₱599.5 bilyon noong nagdaang mga buwan.