Inanunsiyo ng Petron Corporation ang P6.65 kada kilong dagdag presyo sa cooking gas nito epektibo ngayong Biyernes, Setyembre 1, 2023.
Sa advisory ng Petron, epektibo ngayong araw, Setyembre 1, 2023, ay tataas ang presyo ang kanilang liquified petroleum gas (LPG) ng P6.65/k o may katumbas na P73.15/k sa 11-kilo na LPG tank.
“These reflect the international contract price of LPG for the month of September,” pahayag ng Petron.
Ito ang ikalawang buwan nang magpatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng taas-presyo sa LPG kung saan unang sumirit ang presyo ng P50.05/k ng cooking oil noong Agosto 2023.
Dahil dito, pumapatak sa P718 hanggang P935 ang retail price ng kada tangke ng LPG sa Metro Manila.
Noong Hulyo 2023 rin ang pinakahuling pagkakataon na nagbawas ng presyo ang mga oil companies ng kakarampot na P3.70/k na may katumbas na P40.7/k kada tangke ng LPG.