Pumasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang Severe Tropical Storm “Haikui” kagabi, Agosto 30, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa pinakahuling bulletin nito.
Pinangalanang “Hanna” ng PAGASA, hindi naman inaasahang tatama sa kalupaan ang panibagong weather disturbance subalit magpapaulan ito sa ilang bahagi ng bansa bunsod ng pinatinding hanging habagat.
Ayon sa state weather bureau, lalabas din ng bansa ang Hanna sa Biyernes, Setyembre 1.
Samantala, sinusubaybayan naman ng PAGASA ang tropical storm “Kirogi” na nasa labas pa ng PAR, ngunit nakaaapekto rin sa hanging habagat.