Hindi lamang haharap sa matinding pagsubok ang Gilas Pilipinas kapag humarap ito sa World No. 10 Italy sa 2023 Fiba Basketball World Cup.

“Hindi ito uphill climb, Mount Everest climb ang kinakaharap nito…Mabigat ang odds,” ayon kay sports analyst Atty. Ed Tolentino.

Parehong natalo ang Gilas sa kanilang mga laban kontra Dominican Republic at Angola. Gayun pa man, walang hangganan ang pag-asa para sa Philippine squad kung talunin nito ang Italy ng hindi bababa sa 12 puntos, na hahantong sa posibleng triple tie.

“Meron pwedeng mangyari na pwedeng maging susi na makapasok sa 2nd round,” sabi ni Tolentino.