Patuloy ang paglakas ng Bagyong “Goring” na ngayon ay may lakas na hangin na umaabot sa 140kph malapit sa gitna, ayon sa pinakahuling report ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Patuloy ang paglakas ng Bagyong “Goring” na ngayon ay may lakas na hangin na 140 km/h malapit sa gitna. Ito ay gumagalaw pa-timog kanluran sa bilis na 10kph.
Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) sa mga sumusunod na lugar:
TCWS No. 2:
Sa pinakadulong hilaga-silangang bahagi ng mga bayan ng Santa Ana at Gonzaga, Cagayan, at pinakadulong hilaga-silangang bahagi ng Divilacan, Palanan, at Maconacon sa Isabela.
TCWS No. 1:
Batanes, Babuyan Islands, at silangang bahagi ng mainland Cagayan (Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Ballesteros, at Allacapan), silangang bahagi ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, San Pablo, Cabagan, Tumauini, at Ilagan City), at hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag at Casiguran).
Samantala, ang hanging habagat na pinalakas ng Bagyong “Goring” ay magdadala ng panakanakang pagulan sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw, ayon sa PAGASA.