Hindi maitago ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang excitment sa pagdalo sa opening ceremonies ng 2023 FIBA World Cup games sa Philippine Arena dahil isasadula niya ang ginampanan ng kanyang yumaong ama na si dating Pangulong E. Marcos Sr. sa pinaka-unang FIBA game na ginanap sa bansa halos 45 taon na ang nakararaan.
Bilang guest of honor, pangungunahan ni Pangulong Bongbong ang ceremonial jump ball toss sa pagbubukas ng 2023 FIBA World Cup sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ngayong Biyernes, Agosto 25.
Tatlomput dalawang koponan mula sa iba’t ibang bansa ang sasabak sa FIBA games kung saan tampok ang ilang sikat na international players na naglalaro rin sa prestihiyosong NBA games sa Amerika.
Tampok sa main photo si Ferdinand Sr. habang bumubuwelo sa pagitsa ng bola bilang senyales ng pagsisimula ng FIBA game na unang ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong 1978 kung saan ang Pilipinas ang host country.
Si Bongbong Marcos ay 20-anyos noong mga panahong iyon at personal niyang na saksihan ang ceremonial jump ball toss ng kanyang ama, na kilala ring sportsman.
“I was there when my father first tossed the ball. And I’m happy that I will be there when the FIBA events — World Cup now, will return to the Philippines. So, it would be an honor for me to reenact what my father did in 1978,” ayon sa nakababatang Marcos.