Niyanig ng magnitude 5.1 magnitude na lindol ang bayan ng Bansud, Oriental Mindoro, kaninang ala-1:38 ng umaga ayon sa Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa kanilang bulletin.
Inaalam pa ng Philvolcs kung may idinulot na pinsala ang malakas na lindol na yumanig sa Bucay.
Samantala, niyanig din ng magnitude 2.9 na lindol ang bayan ng Bucay sa Abra dakong 8:13 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na 7 kilometro mula sa episentro ng lindol.
Nakaranas din ang isa pang bayan ng Abra ng lindol, ang Lacub, na dumanas ng 2.8 magnitude na lindol.
Bukod sa Bucay, niyanig din ng 2.5 magnitude na lindol ang bayan ng Carasi sa Ilocos Norte, alas-7:27 ng umaga ngayong araw.
Nakaranas din ng pagyanig ang mga bayan ng Calayan at Claveria sa Cagayan Valley, bandang alas-5:38 at alas-6:40 kaninang umaga.
Samantala, nakaranas din ang sumusunod na lugar sa Pilipinas ng lindol ngayong araw:
- Cagwait, Surigao Del Sur, magnitude 3.2, alas-6:57 n.u.
- La Paz, Agusan Del Sur, magnitude 3.0, alas-04:54 n.u.
- San Miguel, Surigao Del Sur, magnitude 2.1, alas-4:30 n.u.
- General Luna, Surigao Del Norte, magnitude 1.7, alas-4:23 n.u
- Pinamalayan, Oriental Mindoro, magnitude 1.4, alas-3:36 n.u.
- Maitum, Sarangani, magnitude 2.5, alas-2:57 n.u.
- Candoni, Negros Occidental, magnitude 2.0, alas-2:45 n.u.
- Governor Generoso, Davao Oriental, 3.0, alas-2:24 n.u.
Sa Mindoro Oriental, narito naman ang nakaranas ng pagyanig:
- Intensity IV – Bansud, and Gloria, ORIENTAL MINDORO
Instrumental Intensities:
- Intensity IV- Pinamalayan, ORIENTAL MINDORO
- Intensity III – City of Calapan, and Roxas, ORIENTAL MINDORO
- Intensity II – Boac, MARINDUQUE; Victoria, ORIENTAL MINDORO; Gumaca, QUEZON
- Intensity I – Lemery, San Luis and Batangas City, BATANGAS; Abra De Ilog and San Jose, OCCIDENTAL MINDORO; Puerto Galera, ORIENTAL MINDORO; Mauban, QUEZON