Inanunsiyo ng Professional Regulatory Commission (PRC) noong Martes, Pebrero 27 na 4,458 sa mula 7,770 na examinees ang nakapasa sa Mechanical Engineers Licensure Examinations.

Nakapagtala ng 65.8 porsiyento na passing rate ang naturang professional licensure exam, na mas mataas mula noong nakaraang taon na 62.17 porsiyento.

Pinangunahan ni Rey Mediana Arcabal na nagmula sa University of Mindanao-Davao City ang Mechanical Engineers Licensure Examination na may average na 93.45.

Top Performing school naman ang University of Science and Technology Philippines- Cagayan de Oro na may 97.33 porsiyento o 73 out of 75 takers.

Ulat ni Erika May Lagat/Intern