Umusad ang Filipino Olympian at pole vaulter na si EJ Obiena sa men’s pole vault finals ng 2023 World Athletics Championships sa Budapest, Hungary nitong Miyerkules, Agosto 23.
Sinelyuhan si Obiena ng 5.75 metro matapos tumalon sa parehong 5.55 at 5.75 clearance na may tig-isang attempt, habang nilalampasan ang 5.35 at 5.70 clearance.
Nagtapos siya sa top position, kasama sina Armand Duplantis ng Sweden, Kurtis Marschall ng Australia, at Christopher Nilsen ng Estados Unidos.
Tanging ang mga naka-clear sa 5.80 meters o mapabilang sa labindalawang pinakamahusay na performers ang uusad sa finals. May kabuuang 13 competitors ang kuwalipikado dahil lahat sila ay na-clear ng 5.75 metro.
Noong 2022 na edisyon ng World Championships, nasungkit ni Obiena ang bronze medal na may 5.94 metro.