Sa pagdating ng mga manlalaro mula Estados Unidos sa Maynila, isa sila sa mga pinakaaantabayanan ng mga Pinoy sa idaraos na 2023 FIBA Basketball World Cup.
Mismong si Team USA assistant coach Erik Spoelstra ang nagsabi: “They’ll be rock stars there.”
Subalit batid sa kaalaman ni Coach Erik, kahalintulad na pagtanggap mula mga Pinoy fans ang naghihintay din sa kanya.
Sino mang miyembro ng Team USA ang may mas malakas na koneksiyon sa mga Pinoy kumpara kay Spoelstra, isang Fil-Am. Bagamat siya ay ipinanganak at lumaki sa Amerika, ang ina ni Coach Erik na si Elisa Celino ay tubo ng San Pablo, Laguna.
“This has been a dream of mine to be a part of the USA Basketball program for so many years and then for the World Cup to be in Manila,” pahayag ni Spoelstra sa FIBA World Cup social media site. “I have great pride in being an American, and I have great pride in my heritage, being Filipino as well.
“I’m just really excited that the entire program will be able to see the enthusiasm, the spirit and fan base for the game in Manila,” aniya.
Sunod kay Gregg Popovich na umaktong Coach ng San Antonio simula pa 1996, si Spoelstra ang pangalawang may pinakamatagal na tenure sa isang NBA team sa hanay ng mga coach sa naturang liga.
Nang i-take over ang Heat noong Abril 2008, ang kanyang mga koponan ay palaging kabilang sa mga pinakamatinding NBA team sa Eastern Conference. Noong 2012-2013, nasungkit ng Heat ang NBA championship.
Dahil dito, tiyak na dudumugin si Coach Erik ng mga Pinoy fans dahil personal na makikita nila ang isang alamat sa American basketball league na may dugong Pilipino.
“It’s a very surreal experience,” ani Spoelstra.
“I think it’ll be really cool for everybody to see how passionate the fan base is for basketball in general. I think our group is going to be treated really well,” dagdag niya.
Bukod sa masayang reunion sa kanyang pamilya at kaanak sa San Pablo, Laguna, sabik din aniya siya na muling matikman ang lumpia na luto ng kanyang Uncle Tony.
(Photo courtesy of FIBA Basketball World Cup)