Magandang balita para sa mga basketball fans.
Magde-deploy ang Samahan ng Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng Point-to-point (P2P) shuttle bus sa opening ceremonies ng 2023 FIBA Basketball World Cup sa Philippine Arena sa Bulacan sa Agosto 25.
Sinabi ng NLEX Corporation na ang mga P2P shuttle bus ay matatagpuan sa 12 strategic pick-up and drop-off points sa Metro Manila at Central Luzon.
Ang mga ito ay nasa:
1. PITX Bus Terminal
2. Mall of Asia Arena
3. One Ayala Bus Terminal
4. BGC Market Market Bus Terminal
5. SM City Megamall
6. Araneta City
7. Trinoma
8. SM City North
9. Clover Leaf Ayala Mall Bus Terminal
10. SM City Baliuag
11. SM City Pampanga
12. SM City Clark
Ang departure time ng mga bus sa bawat terminal ay mula ala-11 ng umaga at ala-12 ng hating gabi at may karagdagang hourly departure mula ala-1 hanggang ala-5 ng hapon.
Samantala, 50 bus mula sa PITX bus terminal sa Paranaque ay magagamit esklusibo para sa mga manonood ng FIBA World Cup. Ang mga P2P bus ay nakapuwesto sa Gate 8 ng PITX.
Kailangang ipakita ng mga sasakay ang kanilang opening game ticket sa ano mang pick-up point ng P2P shuttle bus, ayon sa mga organizers.
Inabisuhan din nila ang mga motorista na asahan ang pagbibigat ng traffic sa ilang lugar sa opening day ng FIBA games.
PInayuhan din ang mga ticket holders na magtutungo sa Philippine Arena na dumaan sa Ciudad de Victoria exit (100% RFID toll plaza, walang cash lane) habang ang mga motorista na papunta sa Bocaue/Sta. Maria ay dapat gumamit ng alternatibong ruta sa mga exit sa Marilao, Bocaue or Tambulong.