Nabulabog ang mga residente ng ilang bayan at siyudad sa Davao Oriental matapos maramdaman ang magnitude-four na lindol sa lalawigan ngayong Martes, Agosto 22, ng umaga.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs), naitala ang lindol ala-6:02 ng umaga kung saan ang epicenter nito ay nasa 14 kilometro sa hilagang silangan ng Baganga, Davao Oriental.
Ayon pa sa ahensiya, ang tectonic tremor ay may lalim na 26 kilometro.
Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pa ring naitatalang nasugatan na residente o ano mang pinasalang naidulot ng lindol sa mga istraktura.