Mahigit 16 na milyong mag-aaral ang nag-enroll para sa school year (SY) 2023 – 2024, isang linggo bago ang pasukan, ayon mismo sa Department of Education (DepEd). Nakatakdang magbukas ang klase sa pampublikong mga paaralan sa Agosto 29.
Ayon sa datos ng DepEd, nasa kabuuang 16,816,221 mag-aaral ang nagpatala sa darating na pasukan sa buong bansa, kung saan ang Region IV-A ang may pinakamataas na bilang ng enrollees na nasa 2,858,606, kasunod ang National Capital Region (NCR), 2,220,470) at Region III (Gitnang Luzon), 1,868,161.
Nagsimula ang enrollment noong Agosto 7, at nakatakdang magtapos ngayong Agosto 26.
Samantala, para naman sa papasok sa Alternative Learning System (ALS), maaari magpatala ang mga estudyante sa kanilang mga barangay, community learning centers, o sa pampublikong paaralang malapit sa kanila.