Patay ang 32-anyos na radio anchor ng Gabay Radio 97.7 FM na si Mohammad Hessam Midtimbang nang tambangan ito ng hindi pa nakikilalang mga salarin habang papasakay ito sa kaniyang sasakyan. Naganap ang pamamaslang gabi ng Lunes, Agosto 21.
Si Midtimbang ang radio host ng programang Bangsamoro Darul-Ifta o House of Opinions, na binubuo ng mga misyonerong Muslim na nagsasagawa ng iba’t ibang proyekto sa Mindanao bilang bahagi ng prosesong pangkapayapaan sa rehiyon.
Kinondena naman ni Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) chief Paul Gutierrez ang walang saysay na pagpatay sa radio anchor.
“We condemn this senseless act of violence as it has no place in our society,” aniya.
Samantala, sinabi ni Gutierrez na humingi na ng tulong ang kanilang grupo sa Philippine National Police (PNP) at 6th Infantry Division ng Philippine Army para imbestigahan ang naturang pamamaslang at matukoy ang mga gunmen.
Aniya, habang naghihintay ng resulta ng imbetigasyon, ituturing na “work-related” ang naturang pamamaslang.
(Photo courtesy of Mohammed Hessan Midtimbang/FB)