Naghain ng reklamo ang mga miyembro ng Hijos del Nazareno (HDN) sa Manila City Prosecutors Office laban kay drag performer Pura Luka Vega dahil sa kontrobersiyal na pagtatanghal nito ng “Ama Namin,” habang nakadamit bilang “Hesukristo.”
Ang HDN ay binubuo ng mga deboto ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church sa Maynila,
Anang HDN, lumabag si Pura sa Cybercrime Prevention Act dahil sa kontrobersiyal performance na umano’y pambabastos sa relihiyong Katoliko.
Nauna nang naideklarang persona non grata sa ilang lungsod, kasama na ang Maynila, bayan at maging probinsiya si Pura dahil sa parehong dahilan.
Samantala, matatandaang nagbigay na ng pahayag ang TikTok star at Drag Den contestant hinggil sa isyu.
Aniya, hindi niya maintindihan kung ano ang naging kasalanan niya at handa naman siyang makipag-usap kaninuman hinggil sa kontrobersiya. Aniya pa, hindi naman siya talaga kilala ng publiko para agad na husgahan siya.