Hinagisan ng granada na hindi pa nakikilalang suspek ang bahay ni dating Commission on Elections (COMELEC) chairman Sheriff Abas sa Cotabato City, dakong alas-7 ng umaga ngayong Martes, Agosto 15. Wala namang nasugatan sa naturang insidente, ayon sa pulisya.
Samantala, mariing kinondena ni Cotabato City Mayor Bruce Dela Cruz Matabalao ang nangyaring grenade explosion sa bahay ng retiradong opisyal ng COMELEC. Isang nakaparadang SUV (sport utility vehicle) ang nagtamo ng danyos matapos tamaan ng shrapnel, ayon sa pulisya.
Kinondena rin ng alkalde ang naging pananambang kay General Services Officer Pedro Tato, Jr. at sa driver nito sa Height 11 ilang oras lang ang pagitan sa nangyaring explosion sa Matabalao residence.
“Such a remorseless act of violence is abominable and must not be perpetuated. The Cotabato City Police Office and other law enforcement agencies are strongly urged to address gun violence in the City — and waste no time in the consistent operations against illegal firearms. No stone must be left unturned,” ani Matabalao.
Naglaan na rin ng P300,000 pabuya ang city hall para sa anumang impormasyon para sa ikaaaresto ng mga suspek sa mga insidente.
“The Administrasyong Para sa Lahat stands together to condemn such acts and support efforts to ensure the safety of our public officials and the people they serve,” sabi pa ni Matabalao.
-may ulat ni Noel Sales Barcelona