Binatikos ng mga netizen sa iba’t-ibang social media platform ang katatapos pa lamang na fashion show ng sikat na fashion designer na si Michael Leyva na ginanap sa Goldenberg Mansion, Malacañang complex noong Agosto 8, na dinaluhan ng kilalang mga personalidad.
Tinawag na ‘Isang Pilipinas’ ang fashion show kung saaan ibinida ang mga likha ng fashion designer na si Michael Leyva.
Ang naturang event ay kabilang sa mga proyekto ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos para umano i-promote ang kultura at sining ng Pilipinas ngayong Agosto kasabay ng selebrasyon ng ‘Buwan ng Wika.’
Nilinaw naman Deputy Social Secretary na si Dina Arroyo-Tantoco na walang ginamit na pondo ng gobyerno para sa fashion show dahil ito ay ginastusan ng mga designers at private institutions.
“The objective of the series is to provide a platform for Filipino artists to show their work in a historical setting relevant to our Cultural Identity. The government does not spend anything on the event because it is paid for by the designers and private institutions they partner with.” saad ni Tantoco.
-Jerico Batocabe