Ipinatatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga producer ng E.A.T. dahil sa pagmumura ng isa sa mga host nito na si Wally Bayola. Magugunitang nagmura ang host sa episode ng noontime show noong Agosto 10.
Sa public announcement ng ahensiya, sinabi nitong lumabag ang programa sa Section 2 (B) Article IV ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Presidential Decree No. 1986 hinggil sa “profanity,” o pagmumura on-air.
Nauna nang humingi ng public apology si Bayola, bago pa lumabas ang sinasabing pagpapatawag ng MTRCB sa E.A.T. para sa isang hearing hinggil sa isyu, na nakatakda sa Lunes, Agosto 14.
Hindi nakalagpas sa atensiyon ng mga netizen ang ginawang pagmumura nito sa E.A.T. noontime show at ito ang kanilang mga ipinost na komento:
“Dapat huwag panoodrin para walang gayahan sanay na sila sa mga panbabastos,” ani ng isang netizen.
“Malakas ang kapit nya sa mtrcb😂😂…shout out k rendon at mareng cristy… gud day lala,” hirit nang isa pang netizen.
“Ang pangit ng babala, lipat muna sa showtime,” komento ng netizen.
“Sino ba head ng MTRCB?? Finish na,” tanong naman ng netizen na posibleng pinasasaringan ay si Diorella Maria “Lala” Sotto-Antonio, anak ni former Senate president at ngayo’y host ng E.A.T. Tito Sotto na kasalukuyang nakaupo bilang chairperson ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB).