May dalawang bagong Netflix specials na aabangan ang buong mundo mula sa Fil-Am comedian at actor na si Jo Koy.
Ayon mismo sa komedyante, plantasado na ang Netflix exclusives matapos na magkapirmahan ng kontrata.
“Just inked a deal for 2 more specials exclusively for Netflix. Thank you to my amazing team (Arsonhouse- Joe Meloche / CAA-Matt Blake • Steve Smooke) and the @netflix family (Robbie • Joanne • Neal) for making this happen. Big love to all my fans out there. Without you none of this is possible. Brooklyn… get ready!” ani Jo Koy sa kaniyang Instagram post.
Ayon naman sa Variety magazine, pang-lima at pang-anim nang exclusive ito ni Jo Koy sa nangungunang streaming service.
“The specials will mark Koy’s fifth and sixth with Netflix; first up, the next one will tape at the Kings Theatre in Brooklyn on November 10 and 11, with an expected 2024 premiere. Art & Industry is producing that special,” ayon sa post ng Variety.
Nakilala si Joseph Glenn Herbert Sr. sa kaniyang standup gig kung saan laging subject ang kaniyang Filipina mom na si Josie. Tampok din sa kaniyang pagpapatawa ang kakaibang kulturang Pilipino, at maging ang kaniyang personal na mga karanasan na hindi maalis sa kanyang alaala.
Bukod sa kaniyang regular na standup gig, bumida na rin si Jo Koy sa ilang pelikula: Virginia (2018), Wake (2018), Anastacia: Once Upon a Time (2019), kung saan gumanap siya bilang komunistang Russian leader na si Vladimir Lenin, Easter Sunday (2023), Haunted Mansion (2023), at ang ipapalabas pa lamang na Monkey King (isang Netflix original) kung saan isa siya sa mga voice actors.