Isa ang sugatan habang 50 kabahayan ang nasira sa pananalasa ang ipo-ipo sa isang barangay sa Zamboanga City.

Batay sa ulat ng PNP, naganap ang insidente sa Barangay Sinunuc sa nasabing lungsod nitong Miyerkules ng hapon, Agosto 9.

Sinabi ng ilang mga residente, isang malaking bilog na kulay itim ang nakita nila sa himpapawid at dumaan sa kanilang barangay.

Tumagal ang ipo-ipo nang halos limang minuto na ikinawasak ng kabahayan sa nabanggit na barangay.

Samantala, sinabi ni City Social Welfare and Development Officer Socorro Rojas na bagaman walang inilikas na pamilya, labis naman ang mga pinsalang tinamo ng kanilang mga bahay.

Sa ngayon, ang mga apektadong residente ay humihingi ng tulong tulad ng mga construction materials upang maisaayos ang nasirang bahay.

Patuloy din ang isinasagawang clearing operations ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan sa mga naapektuhang lugar .

-Baronesa Reyes