Pinawi ni San Miguel Corporation (SMC) president at CEO Ramon S. Ang ang mga pangamba na wala nang solusyon ang malawakang pagbaha sa lalawigan ng Bulacan kung saan itinatayo ang isang world-class international airport na pag-aari ng kanyang kumpanya.
Aniya, hindi magdadalawang-isip ang SMC na gamitin ang lahat ng tauhan at gamit nito upang masolusyonan ang pagbaha sa Bulacan at hindi kailangang bumunot sa bulsa ang mga residente sa lugar upang maisakatuparan ito.
Ito ang binitawan ni Ang sa pagpupulong kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga kung saan niya iprinisinta ang river cleanup project ng SMC sa Pasig River, Tullahan River at San Juan River na nagkakahalaga ng P3 bilyon.
“Our Pasig River cleanup is almost complete. After about two years, we are nearing our target of 1.4 million tons of silt and waste removed. We have also started desilting and waste extraction activities at the Meycauayan River and Maycapiz/Taliptip River. This is part of our plan to clean up rivers in the Bulakan-Obando-Meycauayan-Marilao-Bocaue-Guiguinto River System, which is critical to addressing flooding throughout the southern part of Bulacan,” pahayag ni Ang.
Ang pahayag ni Ang ay taliwas sa deklarasyon ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi na uubra ang river cleanup bilang solusyon sa malawakang pagbaha sa maraming lugar sa Central Luzon dahil sa bukod sa magastos ito, malaki rin ang posibilidad na uulit lang ang problem makaraan ang ilang buwan. Sa halip, isinisulong ni Marcos ang pagtatayo ng water impounding system na sasalo ng tubig baha mula sa matataas na lugar ng Bulacan at Pampanga.
Sa kabila nito, determinado si Ang na ituloy ang desilting at waste extraction activities lalo na sa mga karatig lugar kung saan itinatayo ang New Manila International Airport base sa hiling ng mga residente.
“It’s very unfortunate every time there is a typhoon, so many people in Bulacan have to suffer. Flooding has been a problem in the province ever since. With the growth in population, the emergence of settlements and developments, and no extensive and sustained effort to clean up the rivers, the situation has only gotten worse,” dagdag pa niya.
“But I am confident that with this project to extensively clean up our rivers and with the support of our provincial and local governments and the DENR, we can significantly increase the carrying capacity of our rivers and help solve flooding once and for all,” giit ni Ang.
Bukod sa ikinukumpuning international airport sa bayan ng Bulacan na nagkakahalaga ng P740 bilyon, ang SMC rin ang nasa likod ng MRT-7 project at Bulacan Bulk Water Supply Facility.