Pinarangalan ng lokal na pamahalaan ng Santa Rosa, Laguna, ang MPCALA Holdings, Inc. (MHI) , builder at operator ng Cavite-Laguna-Expressway (CALAX), ng prestihiyosong GREEN Award dahil sa teknolohiyang “maka-kalikasan” na ginamit ng kumpanya sa toll facility kaya ito ay itinuring na “Green Highway”.
Ang pagbibigay ng tropeyo ng GREEN Award o (Gearing towards Robust, Engaging, and Eco-Friendly Nature) ay ginanap kamakailan sa Multi-Purpose Complex ng city hall sa Sta. Rosa, Luguna
“This recognition serves as a testament to our dedication to not only providing a state-of-the-art expressway system but also to ensuring that it harmoniously coexists with the surrounding environment, positively impacting the communities it serves. The GREEN Award reflects the fruitful collaboration between MHI and Santa Rosa in nurturing a more sustainable and eco-conscious region, and it further motivates MHI to continue striving for excellence in all aspects of its operations,” said Mr. Raul L. Ignacio, President and General Manager of MHI.
Kinikilala sa taunang GREEN Awards ang mga adhikain at inisyatibo ng mga kaakibat na kumpanya at personalidad ng lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng mga programang magbibigay proteksiyon sa kalikasan sa lugar.
Kabilang sa mga environmental measures na ipinatutupad ng CALAX ay ang pagbabawas ng carbon emission ng mga sasakyang gumagamit ng tollway sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno sa gilid ng pasilidad, paggamit ng modernong e-vehicles para sa patrol fleet, at paglalagay ng high-tech solar panels sa mga toll plaza para hindi na gumamit ang mga ito ng kuryente na nanggagaling sa mga tradisyunal na power plants.
Ang CALAX ay isang high-speed road network na may habang 45-kilometro at naguugnay sa lalawigan ng Cavite at Laguna. Tinatayang umaabot sa 45,000 motorista ang dumaraan dito kada araw.
Sa ngayon, tanging bukas sa motorista ang bahagi ng CALAX mula Binan, Laguna hanggang sa silangan ng Silang, Cavite. Malapit nang mabuo ang 45-kilometer stretch dahil nasa 91 porsiyento na ang pagkukumpuni ng pasilidad, ayon sa MHI.