Sugatan ang tatlong pulis sa nangyaring barilan sa loob mismo ng Taguig Police Station sa Barangay Tuktukan, nitong Agosto 7.

Sa inisyal na impormasyon mula sa Kampo Crame, kinilala ang mga nasugatan sina Executive M/Sgt. Heriberto Saguiped , Chief M/Sgt. Alraquib Aguel at P/Cpl. Alison Sindac na pawang naka-destino sa Taguig City Police-Community Affairs Section.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang tatlo bunsod ng insidente.

Base sa report, dumating sina Saguiped at Aguel sa kanilang opisina at nagkaroon ng mainitang pagtatalo hinggil sa isinilbing pagkain para sa kanilang pananghalian.

Sinubukan pumagitna naman si Aguel upang pakalmahin ang mga kabaro nito subalit nauwi pa rin sa duelo ang kanilang pagtatalo. Sa gitna ng palitan ng putok tinamaan ng ligaw na bala si Aguel.

Mabilis namang rumesponde ang iba pang pulis na nagtulong-tulong para maisugod ang kanilang sugatang kasamahan sa ospital.

Nagsasagawa na ng malimang imbestigasyon sa nangyaring barilan sa loob mismo ng istasyon ng pulis.

-Mores Heramis