Suspendido ang expanded number coding scheme bukas, Mayo 1, kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa isang opisyal na anunsyo ngayong Huwebes, Abril 30, awtomatikong sinususpinde ang number coding scheme tuwing regular at special non-working holidays.
Pinaaalalahanan naman ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe upang maiwasan ang abala, lalo na’t inaasahang dadami ang mga bibiyahe ngayong long weekend.
Ulat ni Bea Tanierla
