“Ang El Niño naman po ay nararanasan natin, hindi na po ito bago, kaya handa po ang [Department of Agriculture] sa mga kongkretong measures para ito ay maagapan,” saad ni PCO Undersecretary Claire Castro.

Tiniyak ng Malacañang nitong Lunes, Abril 27, na kasalukuyan nang nagpapatupad ng mga hakbang ang mga ahensya ng pamahalaan para maibsan ang posibleng epekto ng inaasahang El Niño, na maaaring magdulot ng kakaunting pag-ulan at tagtuyot sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro, patuloy na ang mga paghahanda, partikular na sa sektor ng agrikultura at irigasyon, dahil inaasahan ng gobyerno ang posibleng kakulangan sa tubig sa mga bulnerableng sakahan.

Binanggit niya ang kasalukuyang koordinasyon sa mga pangunahing ahensya, kabilang ang Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA), para sa pagtukoy at pagbabantay sa mga sakahang posibleng maapektuhan ng kakulangan sa suplay ng tubig.

Ulat ni Julian Katrina Bartolome