Nagbabala ang isang dalubhasa mula sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng makaranas ang Kalakhang Maynila ng krisis sa suplay ng tubig sa susunod na taon kung hindi babalik sa normal level ang tubig sa Angat Dam sa kabila ng banta ng Super El Niño.

“Kung hindi talaga makaabot ang Angat Dam ng at least 210 meters by the end of the year, posible po tayong magkaroon ng water crisis by next year,” babala ni PAGASA senior hydrologist Richard Orendain.

Hanggang alas-8 ng umaga noong Huwebes, Hulyo 8, nasa 151.45 metro ang water level ng Angat Dam na itinuturing na “all-time” low ng PAGASA dahil ito ay mababa ng halos 60 metro mula sa normal high level na 210 ng water reservoir.

“Dapat sana nasa recovery period na ang Angat Dam sa ngayon dahil mid-July na, halos nasa third week na tayo ng July. Normally, yun ang [simula ng] recovery period nya but then mahina nga yung mga pag-ulan in the watershed,” paliwanag ni PAGASA senior hydrologist Richard Orendain sa ginanap na water forum noong Miyerkules.

Pinangangambahan ng mga weather experts na posibleng tumagal ang El Niño hanggang sa unang anim na buwan ng 2027 at maaari rin itong maging “very strong” sa pagitan ng last quarter ng 2026 hanggang sa unang tatlong buwan ng 2027.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *