Simula na ngayong araw, Agosto 8, mararanasan ang water interruption sa ilang lugar na sineserbisyuhan ng Maynilad Water Services, Inc. dahil sa pagkukumpuni sa water treatment plant nito sa Muntinlupa City.
Ayon sa Maynilad, papalitan ang nalalabing siyam sa 14 na ultrafiltration (UF) membranes ng Putatan Water Treatment nito.
Tatagal nang hanggang Nobyembre 2 ang water interruption na magsisimula ng alas-6 ng gabi hangganga alas-5 ng umaga.
“Kung makakaapekto man ito mayron pong siguro oras lamang sa labas natin. Pero as of now marami na rin tayong napalitan, somehow nahahabol natin ang pangangailangan sa labas,” ani Maynilad Putatan Treatment Plant head Nico Bueno sa panayam ng ng GMA-7.
Inaapura ng Maynilad ang pagpapalit sa mga naturang UF membranes bilang paghahanda sa pagpasok ng panahon ng amihan at pagtaas ng antas ng tubig sa Laguna de Bay kung saan kinukuha ang suplay ng tubig para sa 157,000 kustomer ng Maynilad sa Muntinlupa, Las Piñas, at Cavite.
Napagalaman na mahigit 300 milyong litro ng tubig ang binobomba nito mula sa naturang lawa patungo sa mga filtration plant.
Gumagamit din ang Maynilad ng three-step method para linisin ang tubig na ipinamamahagi nito sa mga customer.
Bakit naman Po ganun Ang aga pinatay tubig 6pm nakalagay 1pm palang pinatay na paano kme makakapagluto na galing sa trabaho di nakapag ready Ng tubig di kme nakapag igib
Sana buksan naman Po muna kahit saglt makaready lng kme Ng tubig kahit isng drum pambuhos