Patungo na ang Filipino-American basketball player na si Jordan Clarkson sa Pilipinas para sumali sa Gilas Pilipinas national team na sasabak sa FIBA Basketball World Cup 2023.
Nag-post si Clarkson ng mga larawan sa social media ngayong Lunes, Agosto 7 bago mag-check in para sa kanyang 15-hour flight patungong Manila.
Si Clarkson, ay nakatakdang dumating sa bansa bukas, Agosto 8, 5:40 ng umaga.
Sasabak agad sa pagsasanay ng Gilas sa Miyerkules, Agosto 9, si Clarkson kasunod ng kanilang short stint sa Heyuan WUS International Basketball Tournament sa Guangdong, China.
Ang Filipino-American ay nasa last stretch ng pag-atake ng Gilas bago ang pagsisimula ng FIBA games na gaganapin sa Manila, Okinawa, at Jakarta sa Agosto 25.
“We’ve been in constant communication. We’ve been talking about offenses, some concepts, about things, I’ve been messaging him about plans and what his role is going to be and he’s assured me that he’s in pretty good shape, he’s been working out, and working on his skills,” ayon kay Gilas coach Chot Reyes.
“I think the number one thing I can expect is that he’s in basketball shape. Maybe not in top-game shape, but he’ll have a couple of weeks to get there. As you know, a player of that caliber, that should be enough. So, the only issue now is the integration. The good thing is he’s not coming in cold. He’s been with us before, he knows a little bit of what we’re doing already, and he knows the guys,” giit ng national coach.