Kinumpirma ni Mohamed Barre ng Ministry of Sports ng Somalia na pagsasagawa ng imbestigasyon para malaman kung paano ang 20-anyos na si Nasra Abukar ay napiling lumahok sa prestihiyosong athelic competition sa Chendu, China, dahil napakabagal nitong bilang sprint competitor.
Kasabay nito, sinuspinde rin ng Somali Olympic Committee si Kahdija Aden Dahir bilang chairperson ng Somali Athletes Federation bunsod ng kahihiyang idinulot ni Abukar sa kanilang bansa.
Pinili ng sports officials ng Somalia si Abukar para lumaban sa 31st FISU World University Games Chengdu, China kung saan nilahukan nito ang 100-meter sprint competition kung saan nakapag-tala siya ng 21.81 segundo.
Nakuha ni Abukar ang new record sa pinakamabagal na oras sa 100-meter dash.
Dahil dito, tinaguriang “untrained athlete” ang 20-anyos na manlalaro. Natuklasan din na hindi pa pala nakalalahok sa anumang paligsahan ang atleta subalit pinili ito para sumabak sa nasabing kompetisyon.
Sinabi ni Barre na pananagutin ang responsible sa tinawag niyang “misrepresentation and embarrassment” ng bansa.
Mas lumala pa ang kontrobersya sa gitna ng alegasyon ng favoritism kay Abukar dahil kamaganak umano ito ni Khadja Aden Dahir, ang tagapangulo Somali Athletics Federation.
Ayon sa report, sinabi pa umano ni Abukar sa Chinese media na marami pa siyang ibubuga at may plano itong kumarera sa World Athletics Championship sa Budapest.