Hatid ng Department of Tourism (DOT) at Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay para sa mga commuters mula Nobyembre 5 hanggang 14 bilang bahagi ng paghahanda ng Pilipinas sa pagho-host ng 49th ASEAN Summit.
Magde-deploy ng 15 modern jeepneys para magbigay ng free rides sa dalawang designated routes:
-North Route: SM Fairview to Buendia – 4 round trips daily.
-South Route: Sucat to Baclaran – 5 round trips daily.
Layunin ng programa na makatulong sa transportation needs ng publiko habang isinasagawa ang mga aktibidad kaugnay ng ASEAN Summit.
