Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, umabot na sa ₱6,800 kada gramo ang presyo ng shabu mula sa dating ₱3,800 bago manungkulan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ipinaliwanag ni Remulla na indikasyon ito ng pagkaunti ng supply ng nasabing ilegal na droga sa bansa, dahilan upang mahirapan ang mga gumagamit at nagbebenta na makakuha nito.

“Bago po naging pangulo ang ating Pangulong Bongbong Marcos, ang shabu po ay P3,800 per gram. Ngayon po, P6,800 per gram. Ibig sabihin, ang supply ang mababa, nahihirapan silang kumuha,” ani Remulla.

Binigyang-diin ng kalihim na patunay umano ang pagtaas ng presyo ng shabu na nagtatagumpay ang pamahalaan sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *