Hindi na tutuloy sa pagtestigo si Ralph Sarmiento, dean ng St. La Salle College of Law, na una sanang maglalahad ng testimonya para sa defense team ni Vice President Sara Duterte sa pagpapatuloy ng Senate impeachment trial sa Lunes, Nobyembre 9.
“I have already reached out to the Defense Team, asking to withdraw their request for a subpoena for my appearance or, if one has already been issued, to seek its recall by the Honorable Impeachment Court,” ani Sarmiento.
Sa kanyang pahayag ngayong Huwebes, Nobyembre 5, ipinaliwanag ni Sarmiento na nais niyang mapangalagaan ang independence ng kanyang academic work sa constitutional law at ang impartiality ng kanyang mga legal opinion.
Nakipag-ugnayan na rin umano siya sa defense team upang hilinging bawiin ang subpoena request para sa kanyang pagharap sa impeachment court.
