Itinutulak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang mga panukalang batas at programa na magtitiyak sa kaligtasan ng mga kabataan, hindi lamang sa kanilang physical environment kundi pati na rin sa digital space.
“Mahalaga ang proteksyon ng kabataan sa digital space, kabilang ang social media at online gaming. Responsibilidad nating magtulungan at protektahan sila sa pamamagitan ng batas, pagtutulungan ng gobyerno, mga paaralan, at mga magulang,” ayon kay Dy.
Kabilang sa mga isinusulong ang dagdag na suporta sa bagong tanggapan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na tututok sa social media at online gaming, gayundin ang Children’s Social Media Safety Act at Responsible Firearm Ownership Act.
Binigyang-diin ni Dy na kailangan ang cooperation ng government, schools, at parents para maprotektahan ang mga bata laban sa online threats at iba pang panganib sa kanilang kaligtasan.
