Imbes na ibalik sa sala ng Sandiganbayan Third Division matapos isalang sa booking process, idiniretso si Sen. Rodante Marcoleta sa PNP General Hospital dahil sa umano’y alta presyon at pananakit ng dibdib na kanyang naranasan matapos siyang arestuhin ngayong Lunes, Hulyo 6.
“Mataas ang BP niya. That’s why dinala namin siya sa ospital,” pahayag ni PNP-CIDG Director Maj. Gen. Robert Morico.
“After medical niya, whatever sabihin ng mga doktor ng PNP, we will transmit it to Sandiganbayan,” dagdag niya.
Si Marcoleta ay inaresto ng PNP-CIDG nang magtungo siya sa Sandiganbayan para maghain ng motion to quash upang ibasura ng korte ang kasong plunder na inihain laban sa kanya kaugnay sa P75 million campaign contribution na hindi umano niya idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
