Iinspeksiyunin ng Sandiganbayan ang New Quezon City Jail sa Payatas matapos magpahayag ng pagkabahala ang kampo ni Sen. Rodante Marcoleta sa kondisyon ng pasilidad na maaari umanong makaapekto sa kalusugan ng senador sakaling doon siya ikulong.
Iginiit naman ni Associate Justice Karl Miranda na may negative congestion rate ang jail facility at sapat ang health personnel para maipagpatuloy ang pagbibigay ng medical attention kay Marcoleta.
Samantala, itinakda sa Agosto 10 ang pretrial ng kasong plunder laban kay Marcoleta kaugnay ng umano’y P75 milyong hindi idineklarang campaign funds noong 2025 elections.
Sinabi naman ng prosekusyon na maghahain sila ng 11 hanggang 13 testigo bilang bahagi ng kanilang ebidensya sa naturang kaso.
