Inihayag ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP–CIDG) na lumalabas sa kanilang paunang imbestigasyon ang pagkasawi ng Ateneo Blue Eagles basketball players Rene Baterbonia at Divine Adili ay hindi maituturing na aksidente.
Matatandaang nalunod ang dalawang student-athlete sa umano’y team-building activity sa Dipacula, Aurora noong Hunyo 8.
Ayon sa PNP-CIDG, nasa 700 metro ang layo ng pinagganapan ng incidente mula sa resort, bagay na lalo umanong nagpapatibay sa hinalang hindi simpleng aksidente ang nangyari.
Nauna namang sinabi ng Ateneo Office of College Athletics na walang approval nila ang naturang team-building activity ng grupo.
“University athletics has no hand in approving the team-building activity. If the University Athletics knew about it, if it was brought to them, if they [sought] approval, the answer is no,” saad nito sa isang town hall meeting sa unibersidad nitong Martes, Hunyo 16.
