Sinabi ni NBI Senior Agent John Mark Calilung na hindi AI-generated ang mga video ni Vice President Sara Duterte na ipinakita sa impeachment trial sa Senado nitong Hulyo 7.
Ito ang naging tugon ni Calilung nang tanungin ni Sen. Raffy Tulfo tungkol sa pagiging tunay ng naturang video.
Ayon kay Calilung, umaabot sa dalawang oras ang haba ng video at aniya, “Normally, hindi ganoon katagal ang mga AI-generated video.”
