Inparubahan na ng Sangguniang Kabataan Provincial Federation ng Davao del Norte ang dalawang resolusyon para hilingin sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagkam@tay ni Rene Clert ‘Bobet’ Baterbonia, isang player ng Ateneo de Manila University na nalunod diumano habang nasa kasagsagan ng team building activity sa Dipaculao, Aurora nitong Lunes, Hunyo 8.

“These resolution urges authorities and institutions to help and be of help resolve this incident,” ayon sa Sanggunian Kabataan Provincial Federation ng Davao del Norte.

Ayon sa post ni Board Member Helen Mae Discaya, na siya ring principal author ng dalawang resolusyon tungkol sa pagkam@tay ni Baterbonia, nais nilang tulungan ng mga awtoridad at iba’t ibang ahensiya na resolbahin ang insidente na nag-iwan ng mga katanungan sa publiko sa kung ano talaga ang nangyari sa dalawang biktima.

Kasama rin ni Baterbonia na nalunod umano sa team building exercise ay si Divine Adili, isa ring star player ng ADMU na naglalaro sa University Athletics Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball league.

Hangad ng grupo na magsagawa ng “thorough, impartial, transparent, and comprehensive investigation” ang NBI sa pagkalunod ng dalawang biktima

Samantala, ang pangalawang resolusyon na inaprubahan ng SK ay ang pakikiramay sa naiwang pamilya ni Baterbonia na kanilang hinangaan bilang isang “rising basketball star” mula sa Davao Eagles Basketball Team na naging kinatawan ng Davao Region sa Palarong Pambansa noong 2026.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *