Inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na naka-schedule na ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Sarangani sa Mindanao.
“Mayroon po siyang balak na pumunta, naka-schedule po ‘yan,” ani Castro sa media conference.
Hindi naman binanggit na petsa si Castro sa pagbisita ng Pangulo sa Mindanao.
Samantala, umakyat na sa 37 ang bilang ng mga nasawi, habang 144 ang sugatan at apat ang nawawala dahil sa naturang offshore earthquake, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
