Simula sa Hulyo 18, 2026, pansamantalang isasara ang bahagi ng East Service Road simula sa Arca Blvd. hanggang Narra St. sa Paranaque City upang bigyang daan ang konstruksiyon ng FTI Station East Diaphragm Wall para sa North-South Commuter Railways- Extension (NSCR-Ex) Project.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), papadaanin ang mga northbound vehicles sa isang temporary diversion road sa loob ng PNP Right-of-Way habang ang northbound lane (patungong Makati) ay mananatiling bukas at patuloy na magagamit ng mga motorista ang kasalukuyang East Service Road.
Paiigtinging ng DOTr ang koordinsasyon sa East Service Road Expansion Project ng Ayala group para sa ipatutupad na traffic scheme sa lugar.
Maglalagay din ng mga directional signs at traffic advisories sa mga apektadong lguar upang gabayan ang mga motorista at commuters sa mga itinakdang ruta.
