Dawit din sina dating senador Nancy Binay at Grace Poe sa umano’y pagtanggap ng kickback mula sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH), batay sa testimonya ni dating DPWH undersecretary Roberto Bernardo sa Sandiganbayan nitong Oktubre 29.

Ayon pa kay Bernardo, nakalaan umano ang 12 porsyento hanggang 15 porsyento na komisyon para kay Binay, habang 20 porsyento naman umano ang para kay Poe mula sa mga proyektong kanilang iniugnay sa ahensya.

Inilahad ang mga alegasyon sa pandinig kaugnay ng petisyon sa piyansa ni dating House speaker Martin Romualdez sa kasong plunder na may kaugnayan sa umano’y anomalya sa mga proyektong imprastraktura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *