Susuriin ng House prosecution team ang prenuptial agreement nina Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases ‘Mans’ Carpio, na posibleng iprisinta ng defense team ng Bise Presidente sa pagpapatuloy ng Senate impeachment trial sa Nobyembre 9.

Ayon kay House prosecution spokesperson at dating kongresistang si Robert Ace Barbers, susuriin nila kung lehitimo ang nasabing kasunduan at kung nilagdaan ito bago ikasal ang Bise Presidente kay Carpio.

Sinabi rin ni Barbers na hindi naman agad na mapapawalang-sala si VP Sara sa mga alegasyon hinggil sa unexplained wealth sakaling maglabas nga ng prenup agreement ang mag-asawa.

Tinaya ng forensic financial analyst na si Atty. Alexander Cabrera sa mahigit P817 milyon ang umano’y unexplained wealth ni VP Sara at asawang si Carpio batay sa mga bank at tax records at iba pang financial documents ng mag-asawa na iprinisinta ng prosekusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *